Unreleased Songs

Xcrew Unreleased Songs Lyrics
1.Sa Piling Mo

Ito ang kwento ng pag-ibig kong walang hanggan
Aking iningatan din ito ng napakatagal
Syang babaeng nagpaluha sa akin at nagpatawa
Sa kanya ko naranasang sumaya
Hindi ako sanay kapag hindi ko sya nakita
Nawawala ang kulay ng mundo kong masaya
At sa oras na kaharap ko sya at nakakausap
Di na makakilos sa sobrang katorpihan
Panu nga ba ako makakaligaw sa kanya
Kung parati may kasama sya at di nag-iisa
Gusto kong makasabay sya sa kanyang pag-uwi
Maihatid ko man lang sya kahit na ilang saglit
Gustong kong mahawakan ang kanyang mga kamay
At I-share sa kanya ang buhay kong nalulumbay
Pangarap ka noon na gusto kong makamit
At kapag akin ka na hindi kita ipagpapalit

Sa piling mo masaya ako
Di kailanman magbabago ang pag-ibig ko
Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta
Iibigin ka

Isang babae na hindi ko kayang saktan
Gusto ko parati na lang syang aking alagaan
Babantayan kahit pa sa magdamagan
At sana mahalin ako ng di napipilitan
Nahanap ko sa kanya ang tunay na pag-asa
Ligaya na kailan pa man na di ko natamasa
Ako'y naniniwala na alam kong sya na nga
At sya rin dinarasal ko na sana dumating na
Di ako manghihinayang na gawin ko ang lahat
Kahit na ikamatay ang buhay ko'y ilalahad
Para lang sa kanya kaya kong maghintay ng taon
Basta sinabi nyang maghintay, gagawin ko yon
At hindi ako mangangambang iwan nya ako
Pagdating ng panahon alam kong syang magpapabago
Sa magulong buhay ko na aking naranasan
Wala na ngang iba sa puso ko kundi lang sya

Kayhirap na sabihin sa kanyang mahal ko sya
At baka hindi nya lng ako pansinin pa
Ako ay naglakas loob na sa kanya, sabihin na
Ang laman ng puso at isipan ko ay sya na nga
Naghintay ako sa kanya kahit gano katagal
Pero di ko rin na inasahan di na nagtagal
Sinagot nya na ako sa araw din ng mga puso
At sa araw na yon nagsimula ang aming kwento
Marami na kaming naranasan na pagsubok
Taon na ang binilang at hindi kami sumuko
Walang makakapigil sa aming pagmamahalan
Lakas loob na haharapin ang kinabukasan
Honey ko, salamat sa iyo
Ang buhay ko'y naging kumpleto ng dahil sa'yo
Kung mawawala ka sa akin ay di bale na lang
Di ko kaya mag-isa kung wala ka rin lang


Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta
Iibigin pa rin kita


2.Please Tell Me

Bakit ba... hindi ako mapalagay
Kapag nakita ka sa piling pawi ang lumbay
At laging hinahanap ka nang puso kong ito
Na sana'y mapakinggan mo ang awit ko
Pasulyap - sulyap at panakaw nang tingin
At kahit na wala ka hinahanap pa rin
Ganyan ba talaga mukhang in love ako sayo
Akoy nababaliw parati sa ngiti mo
Alipin mo ako... oh aking sinta
Dinadalangin ko sa piling wag ka nang mawawala
Kasi ikaw ang aking tanging inspiration ko
Mapasagot kita... yan ang dinadalangin ko
At kahit na magbago ka pa
At kahit na paghintayin ako handang mag-isa
Dahil sayo ang buhay koy lumiwanag
Maniwalat sa hindi... pag ibig ko sayo'y sagad

CHORUS
Please tell me girl... kung may pag-asa
Bawat araw ay na nanabik nang masilayan ka... ikaw lamang ang
iibigin ko...
At kahit kailan pa man... hindi magbabago ooh ooh...

Simula nanag makilala ka
Ang buhay ko'y binago mo bigla
Pagibig ko ay laging sayo
Patunayan kung mahal kita dito sa puso ko
Gagawin ko ang lahat sinta
Pinapangako kong di ka mawawala
Please girl... wag nang pahirapan
Ang puso kong ito sayo'y nagmamahal
Lagi mong tatandaan (lagi mong tatandaan) hindi kana masasaktan
(hindi ka na masasaktan)
Akoy para sayo at ikaw ay akin lang
Pagibig koy para sayo
Alipin mong sinakop mo ang mundo ko
Kaya ngayon ako'y nananabik sayo
Kailan kaya... kita mahahagkan sinta
I want to share my life with you hali ka na...

(Reapeat chorus 2x)

Ang pag-ibig, paano ba ito nadarama
Kailangan mong mag sakripisyo magbigay ka nang saya
O ligaya sa tao na minamahal mo
At gawin mo ang lahat, na maniwala siya sayo
Bawa't ikaw aking kasama, ang lungkot nalilimutan
Ang pangako ko sayo kahit kailan d'iiwanan
Ang pag-ibig ay tapat pagka't palaging nasa isip
Ang pangarap makapiling matikman ang yong halik
Iwas-iwasan ang problema ilayo sa relation
Para magkasama habang buhay hanggang sa huli nang panahon
Pagmamahal ko na ito, ay inaalay ko sayo
Ikaw aking aalagaan ibubuhos ay respeto
Sa hirap o ginhawa, kahit ano man ang mangyayari
Ang pangalan mo nakatatak sakin ikaw may-ari
Ibibigay ko apilyido, handa kitang pakasalan
Gusto kitang paligayahin sa loob nang simbahan

(Chorus) till end


3.Paano Ako

P:Paano ang buhay kong ito?
Ngayong tayo ay magkalayo.
Hindi pa ba sapat, ang aking pag-ibig?
Di ba't nag sumpaan tayo?

R: Sino't ano ang hinahanap mo?
Bakit nagkukubli't nagtatago?
Ang tunay mong hangarin, ba't di sabihin sa'kin
Mahirap ba akong mahalin?

P: Paano kita, iibigin?
R: Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
P: Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo?
R: Maghihintay ako sabihin mong mahal mo na ako.

P: Paano kita ... iibigin?
R: (Paano ang buhay kong ito?)
P: Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
R: (Ngayong tayo ay magkalayo)
P: Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo?
R: (Hindi pa ba sapat... ang aking pag-ibig?)
P: Maghihintay ako sabihin mong mahal mo na ako.
R: ('diba't nag sumpaan tayo?)

R: Di ko matitiis ang malayo ka
P: Kung kailan ako nagmahal... mawawala pa
R: (mawawala pa...)

P: Paano kita ... iibigin?
R: (Paano ang buhay kong ito?)
P: Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
R: (Ngayong tayo ay magkalayo)
P: Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo?
R: (Hindi pa ba sapat... ang aking pag-ibig?)
P: Maghihintay ako sabihin mong mahal mo na ako.
R: ('diba't nag sumpaan tayo?)

P/R: Paano kita, iibigin?
Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo?
Maghihintay ako.. (maghihintay ako) na sabihin mong mahal rin
ako.


4.Kahit Na Part 2

Ngayon
Kapiling na kita sa buhay ko
Di mo na sinasaktan ang puso kong ito
Alam kong tayong dalawa ay para sa isa't-isa
Di na natin kailangang na maghiwalay pa
Sa pagibig ko sayo na di ko kayang lampasan
Walang makakapigil sa ating pagmamahalan
Marami man ako sayung mga pagkukulang
Di mo parin akong nagagawang iwanan
Kay rami nang nagbago sa iyo oh honey ko
Sweet ka na sa akin
Pag ako'y nagtatampo
Meron na akong kiss at may kasama pang hug
Dama ko na yung I love you mo sa puso ko'y sagad
Dahil na rin ngayun sa yong pagmamahal
Wala na kong mahihiling pa sa may kapal
Kundi tau ay magtagal ng habang panahon
Sabay na natin kalimutan ang kahapon

At tanging ikaw lang ang iibigin ko
Di kita pababayaan di luluha giliw ko
Lagi kang aalagaan at hinding hindi kita pababayaan kahit kailan
pa man
At balang araw kung ikaw ang makasama ko
Sa habang panahon walang iba sa puso ko
Pagibig ko'y para sayo
Kahit na muling magbago ang pagibig mo
Ang makasama ka ay parati'y masaya
Ang buhay ko ay umiikot lang sau sinta
At para bang nananatili kang lakas ng loob
Paghawak ko ng yong kamay walang bakas na lungkot
Kapag kayakap kita
Ang isip ko'y sarado na
Pikit aking mata habang dinadama ka
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko
Magtiwala ka sa akin na ako'y di na magbabago
Sa dami nang dinanas na lungkot at saya
Nananatili ang pagibig mo mula nung umpisa
Di na ko mangangamba't di na magiisip pa
Kahit wala ka sa tabi ako sayo'y magtitiwala
Ganun ka din sana at alam mo nmn
Pagsisisihan ko lahat kapag ikaw ay iniwanan
Alam nilang lahat kung gano kita kamahal
Sabay na natin kalimutan ang nakaraan
Sa aking pagmamahal at bawat nadaanan
Ilan pa bang pagsubok ang ating mararanasan
Ikaw at ako mas lalo pang pagtitibayin
Na panahon at oras at hindi pa dadaig
Sa kahit na anong tukso hindi ako maliligaw
Mula doon hanggang ngaun sau lng ang tanaw
Ganyan ako kung magmahal
Walang luha na papatak
Hindi pagsisisihan na ako'y iyong minahal
Kaya't ako'y iyong pakinggan
Nagsusumamo na sana nga'y wag mo na kong iwan
Takot na kong magisa sa aking buhay
Ikaw lang ang nagpaligaya at nang aking taglay
Ikaw ang tanging kaligayahan ang makasama at makapiling ka dahil
mahal kita